Inagurasyon ni President Elect Rodrigo Duterte, limitado lamang

Magiging mahigpit at limitado ang magiging inagurasyon ni President Elect Rodrigo Duterte sa Hunyo a-trenta.

Ayon sa kampo ni Duterte, pili lamang ang inaasahang makakadalo sa inagurasyon nito.

Maliban dito, pagbabawalan din ng kampo ni Duterte na magdala ng asawa ang mga papayagang makadalo sa naturang pagtitipon.

Tinatayang nasa limandaang katao ang dadalo sa inagurasyon ni Duterte sa malakanyang na magsisimula bago magtanghali sa Hunyo a-trenta.

Samantala, maruya at buko juice lang umano ang magiging pagkain sa naturang inagurasyon gaya ng naunang sinabi ni Duterte na magiging simple lamang ang panunumpa nito bilang bagong pangulo ng bansa.

Speak Your Mind

*