Incoming Labor Secretary, tiniyak na matatapos na ang kontraktwalisasyon

Nangako si Incoming Labor Secretary Silvestre Bello na matatapos na ang “endo” o end of contract.

Ani Bello, pinagbabawal naman sa batas ang kontraktwalisasyon.

Kaya pangako ni Bello, dapat ay walumpung porsyento ng mga empleyado ay regular lalo na sa mga malalaking kumpanya.

Samantala, inaasahan ni Bello na magkakaroon na ng tigil-putukan sa pagitan ng pamahalaan at ng New People’s Army bago ang State of the Nation Address (SONA) ni President-Elect Rodrigo Duterte.

Speak Your Mind

*