Incoming PNP chief, hindi natatakot kahit may patong na sa ulo

Hindi natatakot si Incoming Philippine National Police Chief Ronald Dela Rosa kahit na may patong na siya sa ulo na limampung milyong piso.

Kasunod ito ng pagbunyag ni dela Rosa na balak silang itumba ni President-Elect Rodrigo Duterte ng mga drug lords sa bilibid dahil sa kanilang kampanya kontra droga.

Ayon pa kay dela Rosa, wala siyang kinatatakutan pagdating sa pagpapatupad ng batas.

Positibo naman si dela Rosa na matutupad ng PNP ang target na masawata ang krimen at iligal na droga sa loob ng anim na buwan.

Speak Your Mind

*