Indie film na “Hamog” nag-uwi ng parangal sa Shanghai International Film Festival

Naiuwi ng indie film na “Hamog” ang outstanding artistic award sa katatapos lamang na 2016 shanghai international film festival.

Ang pelikula ay pinagbibidahan ng teen stars na sina Zaijian Jaranilla at Teri Malvar na gumanap bilang mga batang hamog na dinirek ni Ralston Jover.

Personal naman na tinanggap ni Teri at ni Direk Ralston ang tropyo sa award nights na ginanap sa China.

Finalist din ang nasabing pelikula sa 8th Moscow International Film Festival na gaganapin sa russia simula Hunyo bente-tres hanggang a-trenta.

Tampok rin sa pelikula sina Sam Quintana, Bon Andrew Lentejas, Anna J. Luna at OJ Mariano.

Speak Your Mind

*