Industriya ng sibuyas sa Bayambang, malaki ang pinsala ng nagdaang El Nino

Aminado ang municipal agriculturist ang bayan ng Bayambang, Pangasinan na malaki ang epekto ng naranasang el nino phenomenun sa industriya ng sibuyas.

Ayon kay Mercedita Peralta, Municipal Agriculturist ng Bayambang, na dahil sa epekto rin na pananalasa ng peste ng tinatawag ng armyworm o harabas, aabot sa limampung porsyento ang ibinaba sa produksyon ng sibuyas.

Samantala, sinabi pa ni Peralta na hindi naman naapektuhan ang tilapia industry sa bayan ng Bayambayang ng naranasang tag-init nitong nakaraang summer.

Tuloy-tuloy naman aniya ang pagpaparami ng mga ibang pang isda na inaalagaan sa mga ilog gaya ng dalag at hito na itinuturing naring dagdag pagkakitaan ng mga risedente.

Speak Your Mind

*