Information dissemination, patuloy na isinasagawa ng Urdaneta PNP

Upang patuloy na makamit ang citizen friendly, hindi umano tumitigil ang Urdaneta City PNP sa paglapit sa publiko sa pamamagitan ng pag-iikot sa mga barangay.

Kabilang na umano rito ang isinasagawang information dissemination ng kanilang police community relation team para sa mga ipinapatupad ng batas.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio kay P/Insp Ria Tacderan, Police Information Officer ng Urdaneta PNP, sinabi nito na kabilang sa ipapatupad nang batas sa lungsod ang curfew hour para sa mga minor de edad, pagbabawal sa paggamit ng maiingay na pambotso ng motor at ang liquir ban sa mga pampublikong lugar.

Mahalaga ani Tacderan ang pagbibigay babala sa publiko upang alam nila sakaling may malabag silang batas at hulihin ng mga otoridad

 

Nabatid na kasama rin sa ordinansa na ipinagbabawal sa Urdaneta ang mga minor de edad sa mga computer shop hanggang alas nuebe ng gabi at mula alas syte ng umaga hanggang alas singko ng hapon na maituturing na school hour.

Speak Your Mind

*