Information dissemination sa disaster preparedness, isinasagawa ng CDRRMC

Bahagi rin sa paghahandang ginagawa ng City Disaster Risk Reduction and Management Council o CDRRMC ang pakikiisa sa brigada eskwela ng Department of Education (DepEd).

Ito ang inihayag ni Ronald de Guzman, CDRRMC Chief ng Dagupan sa panayam ng programang Kapihan at Balitaan sa DZRD Sonshine Radio.

Sinabi ni de Guzman na hindi lang sila tumutulong sa mga isinasagawang school repairs at clean-up operation, kundi sa pagbibigay ng Information Dissemination hinggil sa Disaster Preparedness.

Dagdag pa ni de Guzman na bahagi rin sa kanilang ginagawang paghahanda ang koordinasyon sa mga Barangay Official, at ang komunidad.

Speak Your Mind

*