Inihaing SOCE ng mga kumandidato nitong eleksyon, bubusisiin ng BIR

Sumulat na umano ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa mga Comelec Offices sa lalawogan ng Pangasinan para hingin ang kopya ng mga inihaing Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) ng mga kumandidato nitong eleksyon.

Ito ang inihayag ni Fely Simon, District Chief Officer ng BIR Calasiao, Pangasinan sa panayam ng DZRD Sonshine Radio.

Ayon kay Simon ito ay upang manonitor at makuha ang eksaktong tala ng gastos at natirang campaign funds ng mga kandidato para sa buwis na dapat nilang bayaran.

Ikukumpara rin umano ng BIR ang mga idineklarang SOCE ng mga kandidato kung nagtutugma ang kanilang gastos sa mga political ads sa TV at Radio Network na nasa record ng Comelec.

Nilinaw naman ni Simon na kahit nagkaroon ng extension sa submission ng SOCE ang Comelec ay magkakaroon parin ng tax penalty dahil sa kanilang hindi pagsusumitte sa tamang oras.

By: Lorraine Caparros (dzrd newscenter)

Speak Your Mind

*