Ipinatupad na “Diskwento Caravan” ng DTI, matagumpay

Epektibo ang ipinatupad na “Diskwento Caravan, Balik Eskwela” ng Department of Trade and Industry (DTI) na nilahukan ng ilang mga negosyante sa lalawigan ng Pangasinan.

Makikita sa Diskwento Caravan ang school supplies na mabibili sa mas murang halaga kabilang na ang mga school uniform, shirts, sapatos at ilang pang gamit pang-eskwela.

Ayon kay Marjorie Loresco, Consumer Welfare Division Chief ng DTI-Pangasinan, batay sa kanilang natanggap na monitoring report, libo-libong mga consumer ang kanilang nabenipisyuhan.

Kabilang naman sa mga business establishment na nakiisa sa Diskwento Caravan ang CSI Group of Company, Magic Group of Company, Robinson, Nepo Mall, CB Mall, Unitop at ibang mga manufacturer.

Sa ngayon, nananatili namang natatag ang presyo ng mga school supplies kahit nagtapos na ang isinagawang Diskwento Caravan nitong Hunyo a-kinse.

Ang tinig ni Marjorie Loresco, Consumer Welfare Division Chief ng DTI-Pangasinan sa panayam ng DZRD Sonshine Radio.

By: Lorraine Caparros (DZRD Newscenter)

Speak Your Mind

*