Ipinatupad na eFPS ng BIR, nakabawas sa mahabang pila sa pagbabayad ng buwis

Nakabawas sa mahabang pila ng mga nagbabayad ng buwis ang ipinatupad na Electronic Filing and Payment System (eFPS) ng Bureau Of Internal Revenue o BIR Region 1

Ayon kay Fely Simon, District Chief Officer ng BIR Calasiao, batay sa kanilang monitoring lahat ng district offices sa pangasinan ay wala silang natanggap na problema sa deadline sa filing ng Income Tax Return (ITR).

Sinabi pa ni Simon na malaking tulong sa mga tax payer ang nasabing eFPS dahil hindi na kailangan pumila sa tanggapan ng bir dahil maaari na itong gawin kahit nasa bahay o computer shop lang.

 

Nabatid na ipinatupad ang eFPS para sa lahat ng mga tax payers gaya ng self employed, professional individual at mga kompanya para mabawasan ang inaasahang pila sa araw ng deadline ng ITR.

—-

“Oplan kandado” sa mga pasaway ng establisyemento, patuloy na ipinatutupad ng BIR

Nagpapatuloy parin ang kampanya ng Bureau of Internal Revenue o BIR Regional Office laban sa mga establisyemento na hindi nagbabayad ng tamang buwis.

Ito ayon kay Fely Simon, District Chief Officer ng BIR-Calasiao, ay sa pamamagitan na kanilang ipinatutupad na “Oplan Kandado”.

Sinabi pa ni Simon na monthly payment na ang kanilang monitoring sa mga establisyimento na na-oplan kandado upang maiwasan na muling pagpapasara sa kanilang negosyo.

Patuloy din umano ang paalala ng BIR sa mga tax payer at tax practitioners na maging responsible sa pagbabayad ng tamang buwis.

Speak Your Mind

*