Tree planting activity ng ika-11th Anniversary ng SPM, matagumpay

39Matagumpay ang isinagawang tree planting activity ng ika-11th Anniversary ng Sonshine Philippine Movement (SPM) sa Barangay Sobol, San Fabian Pangasinan nitong sabado.

Sama-samang nagtanin sa mahigit dalawang libong puno ng mangrove ang mga kinatawan ng DZRD Sonshine Radio, Kingdom Light Congregation (KLC) ng the Kingdom of Jesus Christ ng buong region 1

Nakibahagi rin ang mahigit dalawang daan kabataan na miyembro ng Keepers Club International Mula baguio, La Union at Urdaneta, San Carlos, Alaminos at lungsod ng Dagupan.

Lubos naman ang pasasalamat ng lokal na pamahalaan ng San Fabian mula sa kinatawan ni Mayor Constante Agbayani na si Tony Sumpremedo sa adbokasiya ng spm sa pangunguna ni Founding President Pastor Apollo C. Quiboloy dahil malaking tulong ito sa fishing industry at eco-tourism zone ng bayan.

Katuwang naman ang Sonshine Philippine Movement sa nasabing programa ang Office of Provincial Agriculture (OPAG) sa pamamagitan ng kanilang ibinigay ng libreng seedling ng mga mangrove.

Speak Your Mind

*