Isinasagawang irrigation project sa Pangasinan, puspusan na

Puspusan ang isinasagawang mga proyekto ng Office of the Provincial Agriculturist o OPAG-Pangasinan bilang paghahanda sa pagpasok ng panahon ng tag-ulan.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio kay OPAG Provincial Officer Dalisay Moya, sinabi nito na tuloy-tuloy ang implementasyon ng mga irrigation project kung saan target na matapos bago ang 2nd quarter ng taon.

Kabilang na umano rito ang rehabilitation ng 32 Communal Irrigation System at ang installation ng 183 unit ng Shallow Tube Well Irrigation Project.

Dagdag pa ni Moya na nasa limampung porsyento pa ng palayan sa Pangasinan ay umaasa parin sa tubig ulan ang mga magsasaka.

Speak Your Mind

*