Kabiguan ng LP na makapagsumite ng SOCE, hindi problema

Binigyang diin ni Attorney Romulo Macalintal, abogado ni Vice President-Elect Leni Robredo, na hindi problema ang kabiguan ng Liberal Party na makapagsumite ng Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) sa itinakdang deadline.

Ayon kay Macalintal, walang peligrong hindi makaupo sa pwesto si Robredo at iba pang halal na opisyal na kabilang sa L-P.

Dagdag pa ni Macalintal, hindi naman talaga bigong magpasa ng SOCE ang L-P dahil ihahabol pa rin ito.

Normal na rin aniya na magbigay ng extension ang Comelec pero aminadong magbabayad ang partido ng multang nasa tatlumpung libong piso.

Speak Your Mind

*