Kahalagahan ng emplementasyon ng K to 12 program, muling iginiit ng Deped

Muling iginiit ng Department of education (DepEd) Region 1 ang kahalagahan ng emplementasyon ng K to 12 Program na umiiral na ngayon sa bansa.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio kay Darius Nieto, Public Information Officer ng DepEd Regional office 1, sinabi nito na makakatulong pa nga sa mga magulang at estudyante ng K+12 program.

Mas madali na aniya na makahanap ng trabaho ang mga estudyante na magpapatos ng K+12 program dahil sa dagdag na dalawang taon na natutunan nila gaya ng mga skilled worker.

Taliwas aniya ito sa maraming nagpro-protesta sa emplementasyon ng K to 12 program dahil sa dalawang taon na dagdag gastos sa pagpapa-aral ng kanilang anak.

 ——- 

Deped Region 1, mas tututukan ang mga isyu na may kaugnayan sa K to 12 program

Matututukan na ng Department of Education (DepEd) Region 1 ang lahat ng isyu na may kaugnayan sa emplementasyon ng K to 12 program.

Ayon kay Cesar Bucsit, Public Affairs Unit ng DepEd Regional Office 1, ito ay dahil sa binuong team ni DepEd Regional Director Dr. Ruby Alma Torio na iikot sa mga school division.

Dagdag pa ni bucsit na magandang programa ang nakatakdang pag-iikot sa mga paaralan ng buong team na kinabibilangan ng division chief, unit head, at school presipal.

Sa ganitong paraan ay makikita at malalaman na aniya ang mga problema at mga kakulangan sa pasilidad na kinakaharap ng paaralan at kung paano sila matutulungan DepEd Regional Office.

Kabilang din umano sa imomonitor ng DepEd  ang mga paaralan na malimit bahain lalo na ngayong opisyal nang pumasok ang tag-ulan.

Ang tinig ni Cesar Bucsit, Public Affairs Unit ng Deped Regional Office 1.

Speak Your Mind

*