Kalinisan ng paaralan, tinitiyak ng mho bayambang sa pagbubukas ng klase

Tuloy-tuloy ang ginagawang Sanitary Inspection ng Municipal Health Office (MHO) ng bayan ng Bayambang, Pangasinan sa lahat ng paaralan bilang paghahanda sa nalalapit na pasukan.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radion kay Dra. Paz Vallo, Municipal Health Officer ng Bayambang, sinabi nito na kasama sa kanilang binabantayan ng kalinisan ng mga comport room.

Mahigpit din umanong inomonitor ng mho ang mga kantina ng paaralan upang matiyak na ligtas kainin ng mga bata ang ititinda rito.

Dagdag pa ni Vallo na dahil papalapit na ang panahon ng tag-ulan, tinitiyak din ng kanilang sanitary inspector na walang maiipong tubig sa mga drainage cannal upang maiwasan ang mga lamok ng nagdadala ng sakit ng dengue.

Speak Your Mind

*