Kasambahay Law, nagpataas sa dignidad ng mga Kasambahay ayon sa ECOP

Nagpataas sa dignidad at pagkilala sa sarili ng mga kasambahay ang Republic Act 10361 o ang Kasambahay Law.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi ni Ed Poserio, Employers Confederation of the Philippines o ECOP Region 1 President na dahil sa nasabing batas ay nalaman ang karapatan at kapakanan ng mga  kasambahay.

Inisa-isa naman ni Poserio ang mga kasambahay na saklaw ng nasabing batas

 Dahil sa nasabing batas, tatanggap ang mga kasambahay ang mga benepisyo gaya buwanang sweldo na hindi bababa sa minimum wages, 13th month pay, mga benepisyo sa SSS, Philhealth, Pag-ibig, at arawang oras ng pahinga.

Kasama naman sa karapatan at pribilehiyo ng kasambahay ang maayos at patas na pakikitungo, board and lodging, atensyong medical, karapatan sa privacy, oportunidad sa edukasyon at pagsasanay at marami pang iba.

Speak Your Mind

*