Kaso ng carnaping sa Pangasinan, pumalo na sa mahigit tatlumpo

Pumalo na sa tatlumpot pitong kaso ng carnaping ang naitala ng High Way Patrol Group sa lalawigan ng Pangasinan mula buwan ng Enero hanggang ngayon Hunyo.

Anim naman sa mga suspek sa carnaping sa lalawigan ay natimbog na ng mga otoridad

Babala naman ni P/Isnp. Allan Calaguas, hepe ng HPG Pangasinan, sa publiko na upang hindi mabiktima ng carnapping ang huwag iparada sa madidilim na lugar ang sasakyan, at mahalaga na magkaroon ng garahe ang may-ari ng sasakyan.

Samantala, patuloy pa namang kinukompirma ng mga otoridad ang nasabing bilang ng carnapping dahil napag-alaman na ilan sa mga ito ay sinadyang ideklarang nawawala dahil sa hindi pagkakabayad sa utang ng motorsiklo.

Speak Your Mind

*