Kaso ng dengue sa Pangasinan, pumalo na sa 35 porsyentong pagtaas

Pumalo na sa tatlumpot limang porsyento ang naitalang kaso ng dengue sa lalawigan ng Pangasinan mula buwan ng Enero hanggang Mayo ngayong taon.

Batay sa tala ng Provincial Health Office (PHO), umabot na sa 755 ang kaso ng dengue ngayong 2016 kumpara sa 558 sa kaparehas na panahon noong 2015.

Aminado naman si PHO Officer Dra. Anna Marie de Guzman na posibleng tumaas pa ang naitalang kaso sa pagsapit ng tag-ulan at pagbubukas ng klase.

Sa ngayon, anim na bayan sa lalawigan ang isinama sa dengue high risk area ng PHO kabilang na ang bayan ang Asingan, Malasique, Bayambang, Pozorrubio, Calasaio at San Carlos City.

Sinabi naman ni de Guzman na prayoridad ng PHO ang pagsasagawa ng misting operation sa nasabing mga lugar kung saan may mataas na kaso ng nakamamatay na sakit ng dengue.

Speak Your Mind

*