Kaso ng krimen sa Dagupan, bumaba dahil sa ipinatupad na oplan lambat sibat

Bumaba ang naitalang karahasan sa lungsod ng Dagupan mula buwan ng Enero hanggang Mayo ngayong 2016 kumpara sa kaparehas na taon noong 2015.

Ayon kay P/Supt. Christopher Abrajano, bumaba nang nasa limanpu hanggang animnapung porsyento ang naitala sa mga krimen gaya ng theft at roberry.

Malaki aniya ang naitulong sa pagbaba ng krimen ang ipinatupad na “Oplan Lambat Sibat” ng pulisya lalo na nitong nakaraang election period.

Batay sa tala ng pangasinan Provincial Police Office (PPPO), mula Enero hanggang Mayo, pumalo na 57 na naitala sa kasong murder mababa sa 66 noong nakaraang taon, 15 sa kasong homicide mababa sa 37 noong 2015, at 469 sa physical injury kumpara sa 1,184.

Mababa rin ang kaso ng rape ngayong taon na nasa 132, kumpara sa 157 noong 2015, robbery naman na nasa 105 kumpara noong nakaraang taon na 227, mababa rin ang kaso ng theft na 331 kaysa sa 1,167, carnapping na 59 mula sa dating 90 at ang insidente ng cattle rustling na nasa 18, mababa ng sampu sa 28 noong nakaraang taon.

Speak Your Mind

*