Kaso ng leptospirosis sa Pangasinan, mababa ng anim na porsyento ngayong taon

Bumaba ng anim na porsyento ang kaso ng leptospirosis sa lalawigan ng Pangasinan.

Mula sa naitalang labin anim na kaso ng leptospirosis noong nakaraang taon ay labin limang naman ang naitala mula buwan ng Enero hanggang Mayo ngayong taon.

Batay sa record ng Provincial Health Office (PHO), ang mga lugar na may mataas na kaso ng leptospirosis ay ang bayan ng sual, Tayug, Bani, Bayambang, Manaoag, San Jacinto, San Nicolas, Sta Barbara, Aguilar at Alaminos City.

Karaniwang namang biktima ng naturang sakit ay mga magsasaka na nasa edad dalawamput lima hanggang dalawamput siyam na taong gulang

Paalala naman ng PHO sa publiko na ugaliin ang kalinisan sa kapaligiran at simunod sa ipinatutupad ng Department of Health na four o’clock habit.

Speak Your Mind

*