Kaso ng rabies sa Pangasinan, maituturing nang endemic ayon sa PHO

Maituturing nang endemic ang kaso ng rabies sa lalawigan ng Pangasinan.

Ito ayon kay Rachel Zarate, Health Education Promotion Officer ng Provincial Health Office (PHO) dahil sa mataas na naitalang bilang ng namatay.

Mula aniya buwan ng Enero hanggang Mayo, labin isa katao na ang namatay dahil sa sakit na rabies, mataas kaysa sa labin dalawa kaso sa buong taon noong 2015.

Hindi naman umano nagkulang ang PHO sa pagbibigay babala sa publiko at pagpapatupad ng mga programa gaya ng libreng bakuna at pagtuturo ng pagiging responsableng pet owner.

Nagbabala naman si Zarate na sakaling makagat ng aso ay iwasan na magpatandok dahil ito madalas na dahilan ng pagkamatay.

Ang tinig ni Rachel Zarate, Health Education Promotion Officer ng Provincial Health Office (pho) sa panayam ng DZRD Sonshine Radio.

Speak Your Mind

*