Kauna-unahang ticketing office para sa Rio Olympics sa Brazil, binuksan na

Binuksan na ang kauna-unahang physical store para makabili ng ticket sa Rio Olympics.

Pwede nang mabili ang mga ticket para sa Olympics sa dalawang shopping mall sa Rio De Janeiro.

Plano ng mga organizers na magbukas pa ng tatlumpung ticketing centers sa  Rio, Sao Paulo, Belo Horizonte, Salvador, Brasilia at Manaus.

Inaasahan namang tataas ang ticket sales habang papalapit ang Rio Olympics na gaganapin sa Agosto a-singko hanggang a-bente uno.

Speak Your Mind

*