Kontraktwalisasyon, balak ipatanggal ng DOLE

Balak ni Incoming Labor Undesecretray Joel Maglunsod na ipatanggal ang kontraktwalisasyon sa bansa.

Ayon kay Maglunsod, agad na aalisin ang DOLE ang Department Order 18-A na ginamit upang gawing aniyang legal ang kontraktwalisasyon.

Kapag naalis na aniya ang naturang kautusan, magkakaroon na ng economic relief ang mga manggagawa.

Sinabi naman ni Maglunsod na hindi magiging mahirap gawin ang pag-aalis sa kontraktwalisasyon ngunit kailangan rin aniya na maghinay-hinay lang sa pagtanggal nito.

Wala naman umano dapat ikabahala ng mga investors dahil malaya aniyang ipatupad ng mga ito kung ano ang nakasaad sa Batas-Paggawa sa 1987 Constitution.

Speak Your Mind

*