“La Niña Action Plan”, maagang inilunsad ng DILG Region 1

Matagal nang napaghandaan ng Department of Interior and Local Government (DILG) bilang Vice Chairman Ng Regional Disaster Preparedness ang panahon ng tag-ulan.

Ayon kay Rhodalyn Licudine, DILG Regional Disaster Focal Person na buwan pa lang ng Abril ngayong taon ay naglabas na sila ng memorandum sa lahat ng local government unit sa rehiyon ng “Oplan Tag-Ulan”.

Kasama na aniya rito ang mandato sa lahat ng lokal na pamahalaan na magsumitte ng kanilang “La Niña Action Plan” para magpaghandaan ang pagdating ng disaster.

Dagdag pa ni Licudine na para matiyak ang kahandaan ng mga LGU’S sa panahon ng kalamidad ay inalam narin ng DILG kung mayroong magagamit ang bawat munisipalidad ng hazard map at kung gumagana ang kanilang early warning system.

Speak Your Mind

*