Labing apat na katao, patay sa tatlong pagsabog sa Yemen

Patay ang labing apat katao sa naganap na tatlong pagsabog sa Yemen.

Samantala, labing lima naman ang naitalang nasugatan sa insidente kung saan isinabay sa paghahanda ng mga sundalo at security personnel para sa isang araw na fasting dahil sa Ramadan.

Ang magkakahiwalay na pagsabog ay inakong kagagawan ng Islamic State sa lungsod ng Mukalla.

Ginawa ng grupo ang pag-amin sa pamamagitan ng kanilang website.

Speak Your Mind

*