Lebron James, ibubuhos ang lahat ng lakas sa game 3 ng NBA finals

Matapos makalamang ng 2-0 sa serye ang Golden State Warriors, sinabi ni Lebron James na ang game 3 bukas ng NBA finals ay maituturing na isang do-or-die game para sa kanilang koponan na Cleveland Cavaliers.

Sinabi ni James na crucial para sa Cavs ang game 3 na magaganap bukas at kailangan nila itong maipanalo.

Ayon kay James, hindi nila pwedeng payagan na mauwi sa 3-0 ang statistics kaya ibibigay nila ang lahat bukas.

Sa Home Court ng Cavaliers gaganapin ang game three at itong season na ito, nakapagtala ang koponan ng 7-0 standing sa mga laban na ginanap sa kanilang home court.

Umaasa naman ang koponan na makakapaglaro bukas si star forward Kevin Love.

Speak Your Mind

*