Libo-libong trabaho, binuksan kasabay sa paggunita ng Araw ng Kalayaan

Mahigit pitum libong trabaho ang binuksan ng Department of Labor and Employment (DOLE) Region 1 sa isinagawang jobs fair kasabay sa silebrasyon ng 118th Araw ng Kalayaan kahapon Hunyo a-12.

Ang nasabing jobs fair ay isinagawa sa NEPO mall dito sa lungsod ng Dagupan mula alas otso’medya ng umaga hanggang alas singko ng hapon na nilahukan ng may tatlumpong employer at mga licensed recruitment agencies.

Ayon kay DOLE-1 Regional Director Grace Ursua, ibat ibang trabaho dito sa Pilipinas ang maghihintay sa mga jobs seeker gaya ng teachers, call center representatives, production operators, accountants and accounting staff, cashiers, office personnel, engineers at  technicians.

Habang sa ibang bansa, maaaring namang magtrabo ang mga nagtapos ng kusong nurses, professionals and skilled workers para sa construction, service at agriculture industries.

Samantala, maliban sa jobs fair, nagsagawa rin ang dole ng one-stop-shop services ng Philhealth, SSS, BIR, POEA, TESDA at OWWA para magabayan ng mga jobseekers at workers hinggil sa kanilang mapipiling trabaho.

Speak Your Mind

*