LP sa Kamara, makikipag-alyado sa ruling majority party

Makikipag-alyado ang Liberal Party sa coalition na pinangungunahan ni President-Elect Rodrigo Duterte.

Pero ayon kay House Speaker Feliciano “Sonny” Belmonte, hindi ang kabuuan ng L-P ang makikipag-alyado kundi ang mga kongresista lamang.

Sinabi rin ni Belmonte na hindi niya lalabanan ang speakership ang manok ni Duterte na si Davao Del Norte Congressman Pantaleon Alvarez.

Dagdag pa ni Belmonte, alam umano ni President Benigno Aquino III na maraming miyembro ng L-P ang nais makipag-alyado sa ruling majority.

Para naman kay Quezon City Congressman Danilo Alvarez, i-aalok niya ang house minority sa United Nationalist Alliance ni Vice President Jejomar Binay.

Speak Your Mind

*