LTFRB, paiigtingin ang kampanya laban sa mga colorum na UV Express

Paiigtingin ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board ang kampamya laban sa mga colorum na UV Express.

Ito ang iginiit ni LTFRB Chairman Winston Ginez kasunod ng insidente ng panghoholdap at panggagahasa ng isang driver ng UV Express sa dalawang pasahero.

Aniya, tungkulin nila na masiguro ang kaligtasan ng mga mananakay.

Kaugnay nito, hinamon ng LTFRB ang mga operator ng UV Express na pagbutihin ang pagbibigay ng serbisyo at pagdidisiplina sa kanilang mga kinukuhang driver.

Samantala, inirekumenda naman ni Ginez sa susunod na pinuno ng LTFRB na bumuo ng isang bagong polisiya para sa prangkisa ng mga UV Express dahil na rin sa mataas na demand nito.

Speak Your Mind

*