Luzon Grid, isinailalim sa yellow alert dahil sa manipis na reserba ng kuryente

Muling isinailalim sa yellow alert ang buong Luzon mula alas diyes hanggang alas onse ng umaga at ala-una hanggang alas tres ng hapon.

Dahil ito sa manipis na reserba ng kuryente.

Ayon sa Department of Energy, nagkaroon din kasi ng forced outages sa ng power-1 at kalayaan-3 power plants.

Pinayuhan naman ng Meralco ang mga consumer na magtipid sa kuryente at inabisuhan na rin ang mga kasama sa Interruptible Load Program (ILP) na ihanda ang kanilang gen-sets para maiwasan ang brownout.

Speak Your Mind

*