Mabilis na recovery, nais ni Paul Lee matapos sumailalim sa PRP procedure

Umaasa si Rain or Shine Point Guard Paul Lee na makakarekober agad ito bago magbukas ang pba governors cup matapos sumailalim sa Platelet Rich Plasma PRP Procedure.

Maalalang umatras si Lee sa Gilas Team para sa Olympic Qualifier dahil sa natamong knee injury.

Ayon sa shooting guard, mararanasan nito ang crucial part ng kanyang recovery period sa susunod na dalawang linggo dahil kailangan na niyang magsuot ng immobilizer sa kanyang kaliwang tuhod.

Posible raw na makahabol ito sa lahat ng laro sa PBA kapag maganda ang kalalabasan ng therapy at rehab ng basketbolista.

Speak Your Mind

*