Mag-aaral sa Mangaldan National High School, inaasahang papalo sa walong libo

Inaasahan aabot pa sa walong libo mula sa mahigit pitong libong mag-aaral sa Mangaldan National High School (MNHS) sa papasok ngayong School Year 2016-2017.

Ito’y dahil sa tuloy-tuloy parin ang pagtanggap ng enrollees sa paaralan hanggang araw ng biyernes.

Ayon kay Dr. Rebecca Cansino, School Principal ng MNHS, upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan ng mag-aaral hindi papayag ang mga ito ng lumabas ng paaralan sa oras ng klase.

Kasabay naman sa unang araw ng balik eskuwela kahapon, nagpatupad na ng regular classes ang Mangaldan National High School kahit na may ilan paring mga magulang na ngayon palang nagpapa-enroll sa kanilang anak.

Speak Your Mind

*