Magnanakaw sa kaban ng bayan, bilang na ang araw

Bilang na ang araw ng mga magnanakaw sa kaban ng bayan.

Ito ay dahil posibleng isulong sa 17 Congress ang parusang kamatayan sa mga mapapatunayang guilty sa kasong plunder.

Ayon kay Quezon Representative Danilo Suarez, noon pa man ay pabor na siya sa death penalty.

Umaasa si Suarez, na magkakaroon na ng kasagutan sa kriminalidad sa bansa dahil sa isinusulong ni President Elect Rodirog Duterte na muling ipatupad ang death penalty sa bansa.

Sinabi ni Suarez na maaaring maisama sa death penalty na isusulong ng 17 Congress ang mga kaso ng kidnapping, rape, drugs, terorismo at maging ang plunder.

Noong panahon ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, ay isa si Suarez sa tutol sa pagbasura sa parusang kamatayan.

Ayon pa kay Suarez, maging sa ibang mga bansa sa Asya, nahaharap umano sa parusang kamatayan ang sinumang opisyal ng pamahalaan na sangkot sa pandarambong.

Speak Your Mind

*