Malacañang, nakikiramay sa pagkamatay ni dating Senador Ernesto Maceda

Nagpaabot ng pakikiramay ang Malacañang sa pagpanaw ni dating Senate President Ernesto Maceda.

Sa isang statement ni Presidential Communications Office Chief Herminio “Sonny” Coloma, jr., kinilala nito ang mga nagawa ni Maceda sa buhay pulitika nito.

Si Maceda ay nagsilbi bilang mambabatas, miyembro ng gabinete, at ambassador sa loob ng higit limang dekada.

Pumanaw si Maceda sa edad na 81 dahil sa multiple organ failure.

Speak Your Mind

*