Mangaldan PNP, tiniyak ang siguridad sa loob at labas ng paaralan

Tiniyak ng Mangaldan PNP na mas hihigpitan nila ang pagbibigay siguridad sa loob at labas ng Mangaldan National High School na mayroong mahigit pitong libong estudyante.

Sinabi ni P/Supt. Benjamin Ariola, PNP Chief ng Mangaldan, mahigpit na naka-antay ang mga security guard  para sa pagpasok ng mga estudyante at hindi hinahayang bukas ng mga gates.

Ayon pa kay Ariola, tinitingnan din ng pulisya ang public safety ng mga estudyante at mga guro kayat may dalawang police bike patroller at foot patroller ang itatalaga sa loob ng paaralan para inspeksyunin ng lahat ng silid aralan.

Responsibilidad din umano ng PNP na imonitor ang paligid ng mga paaralan upang mabantayan ang estudyante na posibleng mag-cutting classes at magtambay sa mga computer shop at billiard houses.

Speak Your Mind

*