Mapayapang pag-uusap, susi upang maresolba ang tensyon sa West Philippine Sea

Naniniwala si incoming Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay na ang mapayapang pag-uusap sa pagitan ng mga bansa ang makakaresolba sa isyu ng pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

Sa panayam sa DZAR Sonshine Radio, sinabi ni Yasay na pag-aaralang mabuti ng susunod na administrasyon ang magiging desisyon ng Arbitral Tribunal kaugnay sa naturang territorial dispute.

Anuman ang lumabas na desisyon pabor man o hindi sa Pilipinas ay pag-aaralan aniyang mabuti kung anong implikasyon nito sa bansa at ano ang mainam na strategy para dito.

Naniniwala naman ni Yasay na maaaring isulong ang Bilateral Talks sa pagitan ng China sakaling hindi nito irespeto ang magiging desisyon ng Arbitral Court.

Speak Your Mind

*