“Maratabat”, pinarangalan sa The People’s Film Festival sa New York

Nag-uwi naman ng parangal ang pelikulang “Maratabat” o Pride and Honor ng batikang mamamahayag na si Arlyn Dela Cruz sa katatapos na The People’s Film Festival sa New York.

Nakuha ng Dela Cruz ang Best International Film for full length feature matapos itong na ipalabas sa Julia De Burgos Performing Arts Center sa New York City.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na mapasama ang kanyang Indie Film sa isang International Film Festival.

Alay naman nito ang tagumpay sa kapwa niya media at sa mga kasamahan nito sa naturang pelikula.

Speak Your Mind

*