Mas mahabang panahon ng pag-ulan, mararanasan ngayong taon ayon sa Pagasa

Nagbabala ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o Pagasa-Dagupan sa mas mahabang panahon ng pag-ulan na mararanasan ngayong taon.

Ayon kay Engr. Greg de Vera II, Chief Meteorological Officer ng Pagasa Dagupan, magsisimula ang epekto ng La Nina sa buwan ng Hulyo at posibleng magtapos sa unang bahagi ng taong 2017.

Sinabi pa ni De Vera na dahil sa naranasang El Nino Phenomenun sa halos kalahati taon ay asahan naman ang mas maraming buhos ng ulan.

Samantala, posible naman na nasa labinlimang bagyo lang ang maranasan ngayon taon kaysa sa average na dalawampung bagyo kada tao dahil narin sa epekto ng El Nino.

Ngunit babala naman ng Pagasa na posibleng mas malakas ang bagyong tatama sa bansa ngayong taon.

Speak Your Mind

*