MDRRMO Agno, tiniyak ang kahandaan sa pagpasok ng tag-ulan

Tiniyak ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office o MDRRMO sa bayan ng Agno, Pangasinan na handa na ang kanilang tanggapan sa pagpasok ng panahon ng tag-ulan.

Ito ayon kay Shirley Nipaz, MDRRMO Officer ng Agno ay dahil sa kanilang mga isinagawang paghahanda kabilang na ang training and siminar na may kaugnay sa kalamidad.

Isa na aniya rito ang isinagawang “two way radio communication training” para sa mas madaling komunikasyon sa pagitan ng Barangay Officials at Local Government Unit (LGU’S).

Nilinaw pa ni Nipaz na ang bayan ng Agno ay kabilang sa costal area at naituturing na catch basin ng Pangasinan kayat mahalaga ang kaalaman sa radio communication.

Nabatid na noong nakaraang bagyong Lando kung saan malaki rin ang matamong pinsala ng bayan ng Agno ay nakapagtala  ang MDRRMO ng “zero casualty”.

——

Wasar Training ng MDRRMO Agno, kasado na.., mahigit 70 participant, inaasahan

Kasado na ang isasagawang tatlong araw na Water Search and Rescue Training (WASAR) Training ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office o MDRRMO sa bayan ng Agno, Pangasinan.

Ito ang inihayag ni Shirley Nipaz, MDRRMO Officer ng bayan ng Agno bilang bahagi ng kanilang Mitigation Action and Preparedness Plan na gaganapin sa darating na hulyo 5 hanggang 7 ngayong taon.

Ayon pa kay Nipaz na inaasahan nila ang pitumpong participant na sasailalim sa pagsasanay kabilang na rito ang mga residente na malapit sa mga coastal barangay.

Dagdag pa ng MDRRMO Official na tiyak na mas matutukan pa ang mga paghahanda sa panahon ng kalamidad dahil sa posibleng pagdating ngayong taon ng kanialng bagong kagamitan gaya ng rescue boat at rescue truck.

Speak Your Mind

*