Media, hindi pwedeng pumasok sa palasyo para sa inauguration ni Duterte

Hindi maaaring pumasok sa malacanang ang media para icover ang inauguration ni President Elect Rodrigo Duterte kundi ang Radio-TV Malacanang (RTVM).

Paliwanag ni Incoming Communications Secretary Martin Andanar na limitado lamang ang espayo sa loob ng palasyo at hindi dahil iniiwasan ni Duterte ang media.

Dagdag ni Andanar na tinatayang nasa 500 ang bisita na dadalo sa inauguration ni duterte sa June 30 na gaganapin sa Rizal Hall ng Malakanyang.

Maging ang mga miyembro ng gabinete ni Duterte ay sinabihan din na huwag nang isama ang kanilang asawa o iba pang kasama dahil nga sa limitado lang ang espasyo ng palasyo.

Pinapayagan lamang ang media na manatili sa New Executive Building ng Palasyo habang ginaganap ang inauguration ni Duterte.

Speak Your Mind

*