Mga gusali, dapat daw isailalim sa architectural, structural at geological check

Iminungkahi ni Urban Planner at Architect Jun Palafox na busisiing mabuti ang mga itinatayong gusali.

Ani Palafox, dapat ay magkaroon ang mga ito ng architectural, structural at geological check.

Pahayag pa ni Palafox, dapat ay wala nang naitatayong gusali malapit sa faultline gayong tukoy na ang mga lugar na dinaraanan ng faultline partikular ang west valley fault.

Hinimok din ni Palafox ang paggamit ng mga pribadong open spaces gaya ng golf course sa panahon ng sakuna.

Speak Your Mind

*