Mga LGU’S, hinikayat ng bumuo ng permanenteng tanggapan ng MDRRMO

Muling umapela ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PPDRMO) sa mga lokal na pamahalaan ng Pangasinan na magtatag ng permanenteng DRRMO o Disaster Risk Reduction Management OFFICE.

Ito ayon kay Avinex Arenas, Training and Information Head ng PDRRMO ay para lahat ng munisipalidad na wala pang tanggapan ng drrmo alinsunod sa Republic Act 10121.

Iginiit pa ni Arenas na napaka-halaga para sa isang LGU’s ang migitation plan, response repair and rehabilitation at disaster preparedness lalo na sa panahon ng kalamidad.

Nilinaw naman ni Arenas na bago ito maisagawa ay kailangan ito dumaan sa sangguniang bayan, may sapat na pondo, pagkakaroon ng opisina at mayroong DRRMO Officer.

Speak Your Mind

*