Mga program ng POPCOM, hindi pagkontrol sa populasyon ng bansa

Nilinaw ng Commission on Population (POPCOM) Region 1 na ang kanilang programa na Responsible Parenthood at Family Planning ay hindi pagkontrol sa populasyon ng bansa.

Ayon pa kay Kristine Diane Oineza, Regional Information Officer II, POPCOM Region 1, ang kanilang mga binibibigay na serbisyo ay hindi para pagbawalan ang mag-asawa na magkaanak ng marami.

Iginiit ni Oineza na ang pagbibigay nila ng pills at contraceptive ay hindi para makontrol ang pagdami ng anak kundi para matiyak ang kalusugan ng ina habang nagbubuntis.

Maiiwasan din umano sa programang ito ang mataas na kaso ng pagkamatay ng mga ina habang magbubuntis at nanganganak.

Nagpapatupad naman aniya ng family development session ang mag-asawa na nais sumailalim sa Responsible Parenthood at Family Planning.

Speak Your Mind

*