Mga residente sa California, lumikas dahil sa pananalasa ng wildfire

Libo-libong residente na malapit sa San Gabriel Mountains sa Los Angeles ang nagsilikas dahil sa patuloy na pananalasa ng wildfire.

Ayon kay Los Angeles County Deputy Chief John Tripp, karamihan sa mga pamilyang nagsilikas ay mula sa Azusa at Duarte na nasa ibabang bahagi ng naturang kabundukan.

Nitong linggo, nagsimulang sumiklab ang naturang wildfire dahil sa nararanasang heatwave sa rehiyon.

Sa ngayon, patuloy ang isinasagawang pag-apula ng mga firefighters at volunteers sa naturang wildfire.

Kaugnay nito, nagbabala rin ang naturang opisyal sa publiko na maging maingat sa mga maaaring pagmulan ng sunog lalona’t napakatindi ng init na nararanasan sa ngayon.

Speak Your Mind

*