Miyembro ng SSS, muling hinikayat ng i-avail ang Loan Reconstructuring program

Muling nanawagan ang Social Security System (SSS) na miyembro na may pagkakautang sa kanilang ahensya na dumulog at i-avail ang programa nito na Loan Reconstructuring upang mabayaran ang kani-kanilang mga pagkakautang nang walang penalty.

Ayon kay Maureen Inocencio, Senior Communications Analyst ng SSS sa Central Luzon, ang kanilang programa ay maaaring i-avail ng sinuman lalo na yaong may mga calamity loan na in-avail noong mga 1990s.

Aniya, hanggang maaga ay maiging dumulog na sa kanilang tanggapan upang mai-proseso na ito.

Dagdag pa ni Inocencio, nakakalungkot ang sinasapit ng ibang SSS member na magri-retiro dahil bago pa umano matanggap ng mga ito ang kanilang retirement benefits, ay kailangan munang mabayaran ng mga ito ang kanilang pagkakautang.

Sa pamamagitan ng kanilang programa, principal at interes lamang ang babayaran ng isang miyembro at maaari pa itong mabayaran nang hulugan.

Speak Your Mind

*