Monitoring ng LTFRB sa mga school transport service, ipinapatupad

Nagsasagawa na ng monitoring ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga School Transport Service sa buong Region 1

Inihayag ni Atty. Glenn Zaragoza, Regional Director ng LTFRB Region 1, sa panayam ng DZRD Sonshine Radio na ang naturang hakbang ay bilang paghahanda sa pagbubukas ng klase sa lunes, Hunyo a-trese.

Ayon pa kay Zaragoza, mahalaga na malaman ang kundisyon ng mga school service lalo na’t kaligtasan ng mga estudyante ang nakasalalay dito.

Hindi naman aniya mabigat ang monitoring ng LTFRB dahil umaabot lamang sa dalawampung ang mga School Transport Service na nag-o-operate sa rehiyon.

Dagdag naman ng opisyal na mahigpit rin ang kanilang monitoring sa ibang pampublikong sasakyan lalo na kung ito na may edad 15-taon pataas.

Speak Your Mind

*