Monitoring sa mga paaralan hinggil sa “no junkfood, no softdrink policy”, ipinapatupad

Kinumpirma ang Department of Education o DEPED-Pangasinan 1 na mahigpit na ipinatutupad ang “no junkfood, no softdrink policy” sa mga paaralan alinsunod sa Deped Order No. 8 series of 2007 at No. 52 series of 2008.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio kay Michael Rame, Education Program Supervisor, School Division Office 1 Pangasinan, sinabi nito na istrektong nagmomonitor ang mga public school district supervisor sa mga paaralan sa pagbukas pa lang ng klase.

Partikular na sinabi ni Rame ang pagmonitor sa mga school canteen para ipagbawal ang mga junkfood, softdrink at mga pagkain na dapat ay approved ng BFAD.

Iginiit ni Rame na ipinagbabawal ang pagtitinda ng mga carbonated drinks at soda sa mga paaralan dahil nagiging dahilan o pinagmumulan ng malnutrisyon ng mga bata at nagpapahina ng kanilang mental ability.

—–

Mga school canteen ng mga paaralan, dapat isailalim sa sanitary inspection

Pabor ang Department of Education o Deped Pangasinan 1 na isailalim sa sanitary inspection ng mga Local Government Unit (LGU’S) ang mga school canteen ng mga paaralan.

Ito ayon kay Michael Rame, Education Program Supervisor, School Division Office 1 Pangasinan, ay upang matiyak ang kaligtasan at kalusugan ng mga estudyante.

Sinabi pa ni Rame na dapat magkaroon ng certificate mula sa Municipal at City Health Office partikular na ang mga kagamitan sa pagluluto at pagmumulan ng inuming tubig.

Ipinayo naman ng Deped opisyal sa mga school head ang pagluluto at pagtitinda ng masustansyang pagkain gaya ng lilot balatong, sopas, aroskaldo at iba pa.

Inire-rekuminda naman ng Deped sa mga magulang na sa halip na pera ay pabaunan nalang ang kanilang mga anak ng masustansyang pagkain.

Ang tinig ni Michael Rame, Education Program Supervisor, School Division Office Pangasinan 1 sa panayam ng Sonshine Radio.

Speak Your Mind

*