Mosquito fish, matagal na umanong ginagamit bilang panlaban sa dengue

Matagal na umanong ipinakilala ang mosquito fish bilang panlaban sa pagdami ng lamok na nagdadala ng sakit na dengue.

Ito ang inihayag ni Dr. Westly Rosario, hepe ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR)-National Integrated Fisheries Technology Development Center (NIFTDC) Pangasinan sa panayam ng DZRD Sonshine Radio.

Ayon pa kay Rosario, ang mosquito fish ay una nang kinilala ng ibang bansa gaya ng bans sa Amerika ang Europa dahil malaki ang naitulong upang mawala ng kanilang problema sa sakit na malaria.

Dagdag pa ni Rosario na mabilis dumami ang mosquito fish na may sukat na 4cm hanggang 7cm, kayang mabuhay sa dagat o ilog at kayang kumain ng mahigit isang daang maliliit na lamok o kiti-kiti ang isang mosquito fish.

Kasabay nito, hinimok naman ng mga paaralan, kabahayan at mga barangay na kumuha lang ng mosquito fish sa tanggapan ng BFAR.

Speak Your Mind

*