MRT at LRT, may libreng sakay sa araw ng kalayaan sa linggo

May libreng sakay na ipagkakaloob sa mga pasahero ng MRT at LRT sa Hunyo a-dose, araw ng linggo.

Ang naturang libreng sakay ay bahagi ng mga aktibidad sa paggunita ng ika-isandaan at labinwalong anibersaryo ng Kalayaan ng bansa.

Magsisimula ang libreng sakay mula alas siyete hanggang alas nwebe ng umaga at alas singko hanggang alas siyete ng gabi.

Magbibigay rin ng libreng sakay ang Pasig River Ferry sa linggo mula alas sais ng umaga hanggang alas sais ng gabi.

Layon din ng mga libreng sakay na mahikayat ang publiko na makiisa sa mga aktibidad sa Independence Day na karamihan ay nakasentro sa Rizal Park sa Maynila.

Kabilang dito ang libreng Medical at Dental Services at Jobs Fair.

Speak Your Mind

*