Multi-hazard simulation drill, isusulong ng CDRRMC bilang paghahanda sa kalamidad

Pinaghahandaan na ng City Disaster Risk Reduction and Management Council o CDRRMC ang isasagawang Nationwide Simultaneous Earthquake Drill sa darating na Hunyo a-bente dos.

Ito ay bilang pakikiisa ng lungsod ng Dagupan sa ginagawang paghahanda sa pinangangambahang posibleng tumama sa bansa na “Big One”.

Ayon kay CDRRMC Chief Ronald de Guzman, mahalaga ang partisipasyon ng bawat isa upang malaman ang mga dapat gawin sakali mang mangyaring sakuna.

Tuloy-tuloy naman umano ang ginagawang paghahanda ng CDRRMC kabilang narin dito ang kanilang ikinakasang multi-hazard simulation drill.

Speak Your Mind

*